(isinaboses ng maraming artista)
Likha ng mga walang magawa sa Hollywood, naisip nilang gawing martial arts expert ang isang tamad na hayop na kadalasan ay makikita mong may bitbit na kawayan. Hindi ko alam kung hilig lang talaga ng mga panda na magpapiktyur kasama ang kawayan o sadya lang talagang matakaw sila at di nila magawang tumigil sa pagngata.
Kung pareho lang tayo ng alam tungkol sa mga panda, puwes tama lang na panoorin mo ito. Ihanda mo ang sarili mo na magpabola sa pelikulang ito. Matututunan mo na ang panda pala ay mahilig din sa noodles at ramen. Likas sa kanila ang pagiging madaldal, bukod sa pamimilosopo sa kapwa hayop. Ayos! Isang witty na panda – may character! XD
Ang kwento: isang tigreng pinangalanang Tai long ang nagbabalak na pagharian ang sangkahayupan. Gagawin nya ito dahil bad trip sya sa dati nyang master na si Shi Fu (mukhang daga pero mas sosyal ang hitsura) dahil hindi nito kinilala ang kanyang husay sa martial arts. Dito papasok ang pangangailangan sa istorya ng isang super hero (take note, dapat isa lang) na magtatanggol sa lahat. Siyempre sino pa ang gaganap na bida kundi ang panda.
Ang panda na si Po ay likas na ambisyoso kaya iniisip niyang pwede syang matuto ng martial arts. Dahil boring ang kwento kung walang kokontra, papasok sa eksena ang limang magigiting na legendary warriors. Mistulan silang mga taga oposisyon na pilit na pinapabagsak ang hebigat na si Po. Sa huli, matututunan din nilang tanggapin at kilalanin ang angking kakayahan ni Po kahit na ito’y kaplastikan lang. XD
Sa paghaharap nina Po at Tai Long madidiskubre na ang makapangyarihang scroll na magtuturo sa lihim na teknik sa martial arts, ay wala palang laman. Dito lalong mababadtrip si Tai Long dahil hindi kinaya ng mababa niyang IQ ang nais iparating ng blangkong papel (maniwala ka, may nais iparating ang blangkong papel!). At Dahil kasing taba ni Po ang kanyang utak ay madidiskubre nya at mabibigkas ang binitiwang salita ng amang gansa; “There are no secret ingredients”, na tumutukoy kung bakit masarap ang paninda nilang noodles. Sa palliwanag ng amang gansa (oo, gansa ang ama ni Po), hindi mo na kailangan ng espesyal na sangkap upang mapasarap ang noodles, ang paniniwala ng iba na ito’y may espesyal na sangkap ay sapat na upang ito ay mapasarap. Kailangan mo lang maniwala.
Marahil hindi ko papanoorin ang pelikulang ito kung hindi dahil sa kadate ko, kaya naman nagpapasalamat ako sa kanya. Ngunit higit akong nagpapasalamat sa pelikula dahil nakasama ko sya.XD Kung may mali man sa pagkakaintindi ko sa pelikula ay dahil abala akong nagiisip kung paano magiging cool sa harap ng kadate.
Sa kabuuan, sadyang nakakaaliw ang pelikula. Kasiya-siyang pagmasdan ang mga fight scene at training ng panda, pati na ang pabalang nyang sagot sa mga kausap. Idagdag pa na naririnig mo ang tinig ng iyong kadate habang mahinhin syang tumatawa, Hay sarap!! XD